Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Thursday, October 30, 2008

Walang Kwenta

Martes. Nagising ako sa ingay ng kung ano ngayong umaga. Hudyat na para gumayak at maghanda para pagpasok. Iba ang pakiramdam ko. Pagod. Siguro dahil na rin sa mga nangyare kahapon. Nanlamig ang pakiramdam ko ng maalala ang nangyare...

Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko sa desisyong ginawa ko. Ako mismo ang nagbukas ng pintuan sa sarili ko patungo sa hindi malamang daan. May natama ba kong mali? O mas lalo ko lang dinagdagan ang pagkakamali namen sa nakaraan? Naguguluhan ako. Sobra.....

Malalim akong nag-isip na mismong ikinalunod ko na. Sinimulan ko ng magsalita. Tuloy tuloy na parang may hinahabol, ginawa ko yon dahil ayaw ko ng tumigil.Ngunit sinalubong lang nya ko ng katahimikan, katahimikan nagbigay saken ng hindi maipaliwanag na kilabot. Ramdam ko kung gaano ko sya nasaktan. Naramdaman ko yon dahil babae rin ako. Mahina. Dun ko naisipang tumigil. Tumigil para sa sarili ko. Nasabi ko na ang mga parte na dapat kong sabihin at tama na yon para iwanan niya kong tulala. Isang pamilyar na pakiramdam ang unti unting pumupuno sa katauhan ko -takot. Takot sa mga nag aambang mangyayare sa mga susunod na araw, kung ano ang mangyayare sakanya, sa kanila at kung ano ang epekto nito sa aken. Marami. Masyadong maraming tanong na wala man lang mahanap na kasagutan ngayon.

Nakakapanghina. Unti unti nitong inuubos ang lakas ko. Ngunit sapat na ang lahat ng ito para tumigil. Sa kadahilanang may mga bagay akong dapat ko na lang kimkimin sa sarili ko, sa sarili ko lang......


"Lalake
- Patawarin mo ko sa kung ano man tong ginawa ko. Wala ka na. Kaya hinayaan ko ng lumaya ang sarili ko.
Babae
- HIndi ko hinihinging patawarin mo ko. Hinihingi kong intindihin mo ko.
Isa pang babae
- Naging katulad mo rin ako. Mapusok. Nagpadala sa apoy. Ang tanging pagkakaiba lang, nauna ka. At mas masahol ako sayo. "


Unti unti ng kinukuha ng mga ulap ang araw. Hudyat na pagabi na.
Gusto ko ng umuwi kaya hinikayat ko ng ang mga paa ko para gumalaw. Panibagong pahirap na naman ito sa akin ngayon, Hindi ko alam kung ano man ang kakahitnaan ng mga pangyayare. Pero handa ako. Yun ang tanging kong mapagmamalaki sa ngayon. Ang pagiging handa.

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog