I.
Huminto ako sandali para magpahinga, napapabilang kasi ako sa mga taong marunong magpasalamat kahit walang mas malalim na dahilan. Sisimulan ko sa katapusan at tatapusin ko sa pamamagitan ng katotohanan. Huwag mo ring ipagdasal na ikaw ang nasa sitwasyon ko dahil magkakamit ka rin ng mga gabing hindi mo man lang maipikit ang mga mata mo para matulog. Imbes na sarili mo ang isipin mo, iisipin mo pa ang hindi mo dapat isipin. Una, masasaktan ka pero hindi mo magawang manakit. Saan ka lulugar? O sana ay naging manhid ka na lang.
II.
Normal ang araw na iyon para sa akin, Normal ang pagkakaibigan namin. Dahil hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay ng palihim. Hindi papunta sa akin, ngunit papunta sa kinauukulan. Masaya siyang kasama, Masarap siya kausap. Pero kapag madaming tao sa paligid namin hindi niya ako kinikibo. Ugali na niya siguro talaga ang pagiging malihim at tinanggap ko iyon. Dahil sa tuwing dalawa na lang kami, inaangkin ko siya sa pamamagitan ng mga titig at ngiti. Hindi dahil un lang ang kaya ko, dahil un lang ang dapat.
III.
Aaminin ko alam ko kung saan ginagamit ang tenga at kung paano papasok ang pag-iintindi.
Para akong sinabugan ng pagkakataon noong sinabi sa akin un, noong una ay pahapyaw lang. Dahil nga pahapyaw lang marami akong mga tanong, ayaw niyang sagutin. Iyong isa naman ay sagot ng sagot, kahit hindi tinatanong tila nililinisan ang kamay. Naniwala ako sa babae, dahil babae din ako. Totoo, nag iba ang tingin ko sa perlas na iyon. Tumahimik ako. Pero ayaw Nagtanong ako sa kanya, oo sa kanya. Dahil sa mga oras na ito siya lang ang dapat paniwalaan. Sinagot niya ang mga tanong at naliwanagan ako, dahil gusto kong maliwanagan, hindi dahil nangyari kung hindi dahil ipinagawa ko.
IV.
Ganito ang nangyari, sinabi sa akin ang lahat ng nangyari sa apat na sulok ng kwarto noong babae. Ayon sa kanya ang lalaki ang mas may gusto dahil lalaki siya at di niya mapigilan ang init. Mahirap maniwala, nabago nun ang mga pinanghahawakan ko. Kinompronta ko ang lalaki at sinabi niya lahat, lahat ng alam niyang ginawa niya at tama ang hinala ko ibubuhos niya sa babae ang sisi dahil un ang nararapat para sa kanya, un ang kayang gawin ng isang may "Iniingatan". Hindi nila alam sa isa't isa na parehas nilang sinambulat sa akin ang kani kanilang magkaibang katotohanan. Lumipas ang mga araw na komplikado. Mas naging komplikado. Nagkagulo na. At oo aaminin ko, masama ba ang ingatan siya ng palihim? Pangitiin siya ng hindi niya alam? Magiging madali sana ang lahat kung hindi kasama ang pesteng emosyon na ito. Kung kaibigan lang ang turing ko sa kanya, parang wala lang to. Pero higit sa magandang bagay ang hangad ko sa kanya, sa aming dalawa.
V.
Matatawag din akong kalaguyo, kaya ang pinasa kong pagkatao ay "ANG ISA PANG BABAE". Kaya kong ibigay ang lahat at mas hihigitan ko pa ang legal na kalaguyo, mas may puso, pag iingat at bawas na kamalian. Hanggang kelan ko ito dadalhin? Hanggang sa ako naman ang mahuli? kami naman ang mahusgahan? Nino? Noong tao na tunay na nag mamay-ari sa kanya.
Sa ngayon ako ang naiipit, patawarin niyo ako sinira ko ang pangako niyo na hindi ito sasabihin kahit kanino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Accessories Online Shop
Which brand of camera is better?
About Me

- Cheska
- I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/
Total Pageviews
Search This Blog
CATEGORIES
- (c) cheska manuel (1)
- bebe (4)
- bestfriend (1)
- books (1)
- bye (1)
- careless (1)
- charles (1)
- cheska (1)
- dos (1)
- ex (4)
- february (1)
- fisheye lens (1)
- friendship (1)
- hard (1)
- harry potter (3)
- hurts (5)
- jokes (1)
- life (19)
- lost (1)
- mama (1)
- mark (6)
- markcarrasco (2)
- moved on (1)
- pag-ibig (1)
- quotes (1)
- read (6)
- review (1)
- School's cool (1)
- stranger (1)
- thoughts (3)
- True enough (1)
- uaap (1)
- us (1)
- vampire diaries (1)
- what is love? (1)
ARCHIVES
-
▼
2008
(48)
-
▼
October
(25)
- EIKO! STOP SCARING PEOPLE!!
- Sender: PsychoPathetic Raisa
- From France
- II. Hinaharap
- I. Kasalukuyan
- Buhbye Jojo!
- Unfortunate
- Bittersweet
- Tonight I can write the saddest Lines
- Update
- Ang isa pang babae
- Panig ng Babae -iska
- Panig ng Lalaki -Iska
- Sunset
- Fantasy
- July 25
- Filipinos Grown up?
- I miss you
- Understatement
- Walang Kwenta
- Bad Auras
- Am I?
- Ang hirap gumawa ng wala
- Mending a broken heartr?
- Bakoushi Bakoushi
-
▼
October
(25)
No comments:
Post a Comment