Lalaki.
Ang araw na ito'y walang pinagkaiba sa mga nakaraan. Pumasok sa iskwela, maglakad sa eskinitang puro tambay na walang habas sa pag-inom at paninigarilyo ang makikita, at makipagkita kung kaninong kaibigan man ang pwede. Ganito lang ang buhay na kinalakihan ko-Simple. Ni bisyo ay wala ako. Siguro'y para na rin sa aking sarili ang desisyong iyon, para sa ikabubuti ko. Ganoon ako lumaki, natutong bumuo ng sariling prinsipyo sa buhay, at natutung tugunan ito.
Sa hinaba haba ng panahon na ako'y nabuhay, sa dinamiraming pagsubok ang napagdaan, ngayon ko lang natunton kung ano man ang dapat kong hanapin. Isang babaing malawak ang pag-iisip.
Agosto noon, sabay kaming naglalakad pauwi. Hawak ko ang kanyang kamay. Tahimik siya, at hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Noong oras na iyon ay parang gusto ko ng magpanik, dahil sinusundot na ako ng sarili kong konsensya. Hinayaan ko kasi siyang mapalapit sa akin ng hindi pa niya ako nakikilala ng lubos. At hindi niya alam-- na may iba ako. Niloloko ko siya.
Nag-usap kami ng diretsyuhan, ako ang nagsalita, kinain ako ng sarili kong galit at ang pinagtataka ko, siya ay malumanay pa rin. Kakaiba yun sa aking pagtingin kaya ako ay lalong sumiklab. Nasaktan ko siya sa katotohanang sinambit ko. At kasaysayan na lang ang lahat sa amin. Ganoon kami nagtapos.
Halos dalawang buwan na ang nakakalipas, balik sa normal ang pamumuhay ko. Marami akong nakilala at sa isang dalagita'y napalapit ako. Normal na lang sa akin ang pagiging malambing sa isang kaibigan. Ngunit iba siya, gusto ko siya. Ngunit alam kong hanggang duon na lang muna. Pinagtibay ko kung ano man ang relasyong namuo sa amin, na ang alam ko'y pagkakaibigan. Dahil alam ko sa sarili ko na nililigawan ko siya-at yun na lang muna yon. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang pagiging malapit niya sa akin ng sobra. Alam kong pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, ngunit ayokong magmadali. Unti-unti muna. Gusto kong kilalanin niya muna ko.
Pero dumating ang oras na tila'y lumagpas na sa limitasyon ang kung ano mang ugnayan namin para sa kanya. Umasa sya ng sobra. At ang sobrang iyon ay nakakasakit. Nakakasakal. Marami siyang sinabi, at hindi ko alam ang dahilan. Marami siyang pinupunto, ngunit hindi ko maintindihan. Ayoko siyang sisihin sa kung ano man ang nangyayare at sa mga ginagawa niya ngayon. Dahil alam ko-kasalanan ko rin. Hinayaan ko siyang umasa. Umasa sa akin, at umasa sa kung ano man ang binuo at binubuo pa lang sana namin.
Ang nakaraan ko pala ang nagbigay daan sa kanya upang maging ganoon. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan. Nawala na siya sa akin. At mas nakilala ko pa siya ng lubos. Ang sakit. Dahil ang akala ko'y pag gumawa ako ng paraan para maipakilala muna sa kanya ang aking sarili ay mapapabuti ang lahat, ngunit ng nalantad na sa kanya ang nakaraan ko'y tila minasama niya ang lahat. Ang masaklap pa dito'y nadamay pa ang iba at masama na ang tingin sa akin ng maraming tao. Totoong walang magandang patutunguhan.
Nabigyan ako ng pagkakataon upang makausap ang babae sa nakaraan. Nagtataka siyang lumapit sa akin sa nabalitaan niyang gusot-dahil kasali siya. Nag-usap kami ng maayos. Pinaliwanag ko sa kanya lahat, sinambit ko lahat ang sakit at panghihinayang na naramdaman ko. Inunawa niya ko at tinulungang unawain ang lahat pati na rin ang aking sarili. Pinilit niya kong ngumiti. At sa ngayon, unti unti na akong umuusad sa hinaharap kasama ang bagong ako..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Accessories Online Shop
Which brand of camera is better?
About Me

- Cheska
- I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/
Total Pageviews
Search This Blog
CATEGORIES
- (c) cheska manuel (1)
- bebe (4)
- bestfriend (1)
- books (1)
- bye (1)
- careless (1)
- charles (1)
- cheska (1)
- dos (1)
- ex (4)
- february (1)
- fisheye lens (1)
- friendship (1)
- hard (1)
- harry potter (3)
- hurts (5)
- jokes (1)
- life (19)
- lost (1)
- mama (1)
- mark (6)
- markcarrasco (2)
- moved on (1)
- pag-ibig (1)
- quotes (1)
- read (6)
- review (1)
- School's cool (1)
- stranger (1)
- thoughts (3)
- True enough (1)
- uaap (1)
- us (1)
- vampire diaries (1)
- what is love? (1)
ARCHIVES
-
▼
2008
(48)
-
▼
October
(25)
- EIKO! STOP SCARING PEOPLE!!
- Sender: PsychoPathetic Raisa
- From France
- II. Hinaharap
- I. Kasalukuyan
- Buhbye Jojo!
- Unfortunate
- Bittersweet
- Tonight I can write the saddest Lines
- Update
- Ang isa pang babae
- Panig ng Babae -iska
- Panig ng Lalaki -Iska
- Sunset
- Fantasy
- July 25
- Filipinos Grown up?
- I miss you
- Understatement
- Walang Kwenta
- Bad Auras
- Am I?
- Ang hirap gumawa ng wala
- Mending a broken heartr?
- Bakoushi Bakoushi
-
▼
October
(25)
No comments:
Post a Comment