Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Thursday, October 30, 2008

Panig ng Lalaki -Iska

"I.
Inipit ko ang sulat sa libro niya dahil alam kong mababasa niya iyon kapag nakuwe na siya.Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag. "Alam kong nahihirapan ka pero hindi ko mabasa ang utak mo ngayon" sabi ng nasa kabilang linya. "May mga problema lang ako at ayaw kong madamay ka" Sagot ko.
Doon natapos ang usap namin.
Pero ang alam ko hindi pa ito ang huli....

II.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko noon. Gusto ko lang naman magsaya para makalimot pero hindi ko alam na simula pala ito ng paglimot ko sa aking sarili.
Para akong hinihila ng kumunoy.
At ang kumunoy ay siya.
Alam kong kaya kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko ginawa. Alam ko ang pagkakaiba ng tama sa mali pero pinili ko ang mas komplikadong bagay. Andyan na siya, nilatag na niya ang pagkatao niya sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi? at isa pa hindi ako marunong tumanggi sa grasya. Nagkita kami ng patago ng ilang araw. Mukhang maganda naman para sa amin ang nangyayari sabi ko sa sarili ko. Noong uanng araw, halik ang naibigay niya At alam kong hindi lang iyon ang kaya naming pagsaluhan. Lumipas ang mga araw at ang apoy na nagdudugton sa amin ay nagliyab na. "Hiwalayan mo na siya". Parang musika ang sinasambit niya ngunit ayaw kong tanggapin. Alam kong hindi madaing humupa ang apoy na ginawa namin. Dahil ang kahoy at pansinding ginamit ay kinuha sa masukal na gubat.

III.
Nagising na lang ako isang araw na napansin kong napapaso na pala ako ng sarili kong apoy. Oo, sarap ang dulot nito sa akin pero ayaw ko ng sarap lang. Ayoko ng timpla sa masukal na gubat. Pinilit kong bunitaw sa tali na papunta sa kumunoy, at nagtagumpay ako sa pamamagitan ng pag-alala sa kaing lakas. Ang nag-iisang dahilan ng aking paghinga.
Ang susunod kong hakbang ay ang pinakamahirap na parte sa lahat, ang pagpapatawad sa aking sarili.

IV.
Sinubukan ko siyang tawagan para malaman na hinahanap din niya pala ako Nagkita kami, hindi ko siya mahawakan dahil may parte parin sa aking na hindi ko mapatawad At naisip ko na kung sarili ko ay hindi ko mapatawad, paano pa siya sa akin? Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi lang sarap ang naramdaman ko, pag unawa at kasiguraduhan. Hinalikan ko siya tulad noong paghalik ko sa kanya noong unang beses. Nakadama ako ng kurot sa aking puso. Paano ko nagawa iyon sa kanya? Sa taong mahal ko, sa taong ginagalang ko? Sa taong binigay ang lahat sa akin.
Kumawala ako saaming pagkakayakap ng naka ngiti. Ang lahat ay hindi niya malalaman, kahit na katiting. Hindi ko ipapaalam.. Pangako."

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog