I.
Isa akong babaeng hindi nagpapadala sa mga problema, unang una bata pa ako para sa mga ganyan. Mas pinipili kong maging masaya, kahit makasakit, dahil ganun ang buhay para sa akin. Ikaw ang gugulangan o ikaw ang lalaban. Hindi ko na ikekwento kung bakit ganun ang naging resulta ng aking pag-iisip. Hindi naman importante ang mga ganyang bagay para sa akin. Sa totoo lang wala pa akong nakikitang liwanag na matatawag kong importante. Hanggang sa ngayon.
II.
Tumatakas ako sa pamamagitan ng paglaya. Ako lang ang nakakaintindi noon, dahil un ang itinatak sa akin. Ang pagiging komplikado. Bata pa nga lang daw ako marami na akong bisyo, ano bang pakialam nila? Dito ako nagiging masaya, kasama ng mga kaibigan kong gusto ring lumaya. Tapusin natin ang usapan tungkol sa mga bagay na hindi naman importante dahil hindi lang naman ako ang ganito. Ngunit ako lang ang lumalaban.
III.
Sa isang sulyap, nasundan ito ng titig. Hindi ko alam kung dahil sa may tama na ako ng serbesa pakiramdam ko ang oras na iyon ay para sa amin. Tipikal ang itsura niya, tipikal na tipo ko. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na palalampasin ang pagkakataong tulad nito. Alam ko naramdaman niya kung ano man ang naramdaman ko. Bumwelo ako para gumawa ng unang hakbang, wala naman masama kung ako ang magsisimula ng apoy. Binigyan ko siya ng pahintulot. Tumanggi. At sa tingin ko alam ko ang dahilan.
IV.
Alam kong hindi niya alam ang daan papunta sa bahay ko pero maraming paraan para tanungin kung paano pumunta dito, at maari kong sabihin. Tumalab pala ang ginawa ko, kahit na medyo nahuli lang sa aking inaakala. Mas masarap pala siyang kasama kesa sa aking inaakala. Mas gwapo siya kapag malapitan at mas buo ang boses niya kapag ako ay kanyang nilalambing. Totoo na sumagi saisip ko na hindi ito tama, pero bakit ako tatanggi? Alam kong ako ang nagbigay ng motibo pero kumagat naman siya. Ibig sabihin gusto din niya. "Hiwalayan mo na siya" Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. Hindi ko alam kung paano un namutawi sa aking mga labi ng ganun kadali. At ang sumunod na mga pangyayari ay mailalathala na lang sa aking maruming isip.
V.
Lumipas ang mga araw, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Kaya ako bilang isang babaeng nag aantay ng tinatawag na pag-ibig ay binaling ko ang aking sarili sa mga bagong oportunidad. Hindi niyo ako masisisi. Babae ako, at Lalaki lang siya. Parehas kaming mahina. At oo parehas naming dinungisan ang aming mga sarili. Parehas kaming gumawa ng kasalanan sa isang taong hindi naman kami sinaktan. Pero nanaig ang sa amin ang apoy, ngunit madaling nabuhusan ng tubig ng katotohanan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging katapusan pero ang alam kong namagitan sa amin ay isang laro lamang. Laro na kayang magbago ng buhay ng kung sino man ang makakalam nito. Pangako
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Accessories Online Shop
Which brand of camera is better?
About Me

- Cheska
- I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/
Total Pageviews
Search This Blog
CATEGORIES
- (c) cheska manuel (1)
- bebe (4)
- bestfriend (1)
- books (1)
- bye (1)
- careless (1)
- charles (1)
- cheska (1)
- dos (1)
- ex (4)
- february (1)
- fisheye lens (1)
- friendship (1)
- hard (1)
- harry potter (3)
- hurts (5)
- jokes (1)
- life (19)
- lost (1)
- mama (1)
- mark (6)
- markcarrasco (2)
- moved on (1)
- pag-ibig (1)
- quotes (1)
- read (6)
- review (1)
- School's cool (1)
- stranger (1)
- thoughts (3)
- True enough (1)
- uaap (1)
- us (1)
- vampire diaries (1)
- what is love? (1)
ARCHIVES
-
▼
2008
(48)
-
▼
October
(25)
- EIKO! STOP SCARING PEOPLE!!
- Sender: PsychoPathetic Raisa
- From France
- II. Hinaharap
- I. Kasalukuyan
- Buhbye Jojo!
- Unfortunate
- Bittersweet
- Tonight I can write the saddest Lines
- Update
- Ang isa pang babae
- Panig ng Babae -iska
- Panig ng Lalaki -Iska
- Sunset
- Fantasy
- July 25
- Filipinos Grown up?
- I miss you
- Understatement
- Walang Kwenta
- Bad Auras
- Am I?
- Ang hirap gumawa ng wala
- Mending a broken heartr?
- Bakoushi Bakoushi
-
▼
October
(25)
No comments:
Post a Comment