Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Thursday, October 30, 2008

I. Kasalukuyan

Ang Babae

Isinilang ako labinglimang taon na ang nakakalipas. Namuhay sa isang normal na pamayanan, nag-aaral sa magandang paaralan. Hinayaan kong malantad ang aking pagkatao sa isang mundong akala ko'y nababagay ako. Sa mundo na akala ko'y makakakita ng isang tunay na mamahalin. Nakilala ko siya, mga dalawang buwan na ang nakakalipas. Una ay normal lang kaming magkaibigan, ng bigla na lang umusbong ang isang pakiramdam na hindi ko mapangalanan kung ano.

Natatakot akong baka hindi ganoon ang tingin niya sa akin, ngunit pinabulaanan niya iyon. Pinakita niyang pareho kami ng nararamdaman.Masaya ako. Nagkikita kami, kumakain ng sabay at kung ano ano pa. Nung una'y hinahayaan kong manghula ang mga kaibigan ko sa mga mensaheng ipinapadala ko sa kanila. Masaya ang ganoong pakiramdam, na parang ang lahat ay may pakiaalam sa akin, may pakiaalam kung sino man ang kasama ko at kung para kanino man ang mensaheng ipinapadala ko.

Dumating din ang araw na tinawag kong "monthsary" namin. Pero maski sa sarili ko'y hindi ko alam kung matatawag ba itong "monthsary". Hindi ko alam ang lagay naming dalawa. Basta ako'y isang bata na naghahangad ng iba pa sa kanyang pinapakita. Ngunit dumating ang araw na kami ay hindi magkaintindihan. Kung ano anong rason ang aking naiisip upang awayin siya. May nakilala kasi akong isang babae. Isang babae na naging bahagi rin ng kanyang buhay.

Ang babaeng iyon ay mas nauna sa akin sa kanya. Nabigyan din naman ako ng oras para kausapin ang nasabing babae. Ngunit sa bawat salitang namutawi sa bibig nya na pagkukwento, ay iba ang naiisip ko. Hindi maganda ang kinalabasan ng kung ano mang relasyon nila. At parang isang kumunoy na unti unti akong hinahatak ng selos at ng kung ano man.

Umusbong ang paranoya sa aking katawan. Kung ano ano ang naiisip ko. Ngayon tuloy nagsimulang masira ang relasyon binubuo pa lang namin. Ngayon, wala na kaming komunikasyon. Hindi na kami nag-uusap. Galit ako sa kanya. At hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ngunit mas galit ako sa aking sarili at sa mga bagay na ginagawa ko.

Sinupla ko ang babaeng dati niyang nakaniig. Gumawa ako ng isang bagay na ikakasira nilang dalawa. Isang bagay na mismong aking sarili walang maibigay na rason kung bakit. Ngunit kahit ganoo'y ginagawa ko pa rin, dahil ayokong tanggapin sa aking sarili na ako mismo ang mali. Na ako mismo ang nagbigay dahilan kung bakit kami nagkaganito. At ang lahat ng ito'y walang makakaalam. Lalaban akong sarili lamang ang dala. At ang mga susunod na kabanata, ay bahala na...





----------------
This story is triggered and insipred by this:
htt://hudiokalemwa.multiply.com/journal
Its really not my story to tell, but since she involved me. I took the advantage to make an article behind this.


"Hindi lahat ng nababasa mo, totoo."

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog