Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Thursday, October 30, 2008

July 25

Nasnatchan ako ng cellphone kanina. Thank God at narecover pa :(

Nasa bus ako kanina. Pauwi. Ng nagstop sa Mayon(a place in Manila), so I was texting diba? Tas ung place ko nasa likod ko ung pintuan kase ordinary bus lang naman yon. Nagulat ako ng biglang my humablot ng phone ko, reflex ko na pag may humawak ng phone ko kukuhanin ko agad. Nakipag agawan ako sakanya. I know na snatcher sya.. Shit! Grabe ibang pakiramdam yun pag nandon ka na, hindi ako makasigaw kase ewan ko ba kung bakit. Nakipag agawan ako sakanya ung kasakay ko sa bus hindi ako tinulungan! Amp un! Hanggang nakuha na nya ung cp ko, nakaladkad pa nya ko kase nga hawak hawak ko pa ung phone. Ang dame ko tuloy pasa. Ang bilis nya tumakbo grabe hinabol ko sya pababa sa bus eh pero wala malayo na, humingi ako ng tulong sa konduktor pero wala. Epal lang sya sa storya. Sumunod dun sa nakakita na nakamotor, dinala nya ko sa my kanto, sinabi sa mga driver na nasnatch phone ko, tinuro kame sa baranggay so hinatid ako don nung nkamotor. Buti nga tinulungan pa ko. Hayy.. Pag dating sa baranggay eh di mangiyak ngiyak na ko non, nagreklamo ako sinabi ko yon, buti si Sir Magno Flores (Matandang Tanod) eh ang tinatawag na "lolo" nung mga rugby boys dun sa my kanto. Pinuntahan namen yon, tas nagtanong tanong. Galit na si Sir pinapaamin kung nakita o kakilala nung mga tao ung nagsnatch ng phone ko. Eh my isang lalake don, pinagtanungan ko kung my nkita syang tumatakbo na nkacolor blue na damit, sabi nya "Si Michael? Ano itsura?" Boom! Dun na! Nagalit na lalo si Sir kase hindi na nga pinapaalis yung mga tambay don sa kanto namemerwisyo pa sila, tas kahapon din pala (July 24) Eh my nasnatchan din don, narecover din nila, kaibigan nung "Michael"!

Galit na si Sir Magno pilit pinapaamin ung mga tambay don my nakausap kame na aktong nagrurugby pa kaya yun bogaloids ang pare nyo, hindi matinong kausap. Pinahatid ako sa tricycle ni Sir Magno sa presinto at magreklamo daw ako. Eh di pumunta naman ako, pagdating sa presinto, lahat ng preso don nakatingen saken eh di iyak na naman ako sa takot. Langya naman kase yung mga itsura nila noh Imaginin mo mga criminal ang nandon tas ako lang mag isa. Waaah~ SUPER EWAN TALAGA!!!!

Tinanong ako nung pulis na nakawheelchair, mga personal information.. Eh di sagot naman ako, tas biglang sabi, "Sige ipafollow up namen., Tawagan ka namen pag nakuha na!" Oha! Tangina! Walang kwentang pulis. Eh di in short walang nangyare.

Pagbalik ko dun sa place, wala na si Sir Magno, kinausap ako don ng mga tricycle driver sabi nung isa "Wag ka bibitaw.." Dun ako nabuhayan ng loob. Ako lang mag isa non, wala si mama at papa. Walang mangyayari kung iiyak ako. Kinuwento ko sakinla kung ano ung sinabi nung pulis sa presinto, disappointed sila. Ako rin naman eh. Wlang kwenta talga yung pulis n yon. So dapata pupunta ulit don ksama yung isang mtanda n kilala raw sa presinto para nga humingi ng pulis at para mahuli kase alm nman kung sino!

Pro bago pa maalis yung tricycle, my dumating na pick up truck ng pulis tas si Mang Magno na my dala dala ng pamalo. Hindi ko alm kung san sila galing,(siguro sa North Cemetery kase dun madame squater) Tas patakbo kong nilapitan para kong batang paslit na nagsumbong sa lolo nya, malakas ang kumpyansa nya. Sabi nya sken "Eto ba cellphone mo?" Pinakita yung cellphone ko, eh di tuwa naman ako. Iyak na naman ako. Ang lakeng pasasalamat ko na nakuha nila Mang Magno yun. Ang laking pasalamat ko na kilala at takot yung mga tambay don ke "lolo" Hanggang ngayong oras n to hindi ako makaget over. Takot ako. Siguro trauma na rin. Hayy... Behave n ko talga promise! D ko pa alam kung sasabihin ko yon ke mama at papa. KAse bka pagalitan ako.

THANK YOU LORD TALGA!

AT MARAMING SALAMAT PO MANG MAGNO FLORES!
GOD BLESS YOU PO AT SA PAMILYA NYO. HINDI MAN PO AKO MAKABAWI SAINYO, SI LORD N BAHALA SA BLESSINGS NYO

Dalhan ko kayo ng pancit dyan sa baranggay pag nagkapera! Hahah!






No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog