ANINO
Para siyang aninong nakadikit sakin.
Kahit anong iwas ang gawin ko, nandito pa rin siya.
Para siyang aninong nakadikit sakin.
Kahit anong iwas ang gawin ko, nandito pa rin siya.
PANGUNGULILA
Kanina paggising ko,
sa pagmulat ng mata ko.
Hinanap ko siya.
Kala ko katulad pa rin kami nung isang gabi - magkatabi.
PANGHIHIHNAYANG
Nakakadismaya.
Isang gabi lang pala talaga yon.
Mahirap isipin na baka hindi na maulit.
O ni hindi mabigyan ng pagkakataon maulit.
Nakakadismaya.
Isang gabi lang pala talaga yon.
Mahirap isipin na baka hindi na maulit.
O ni hindi mabigyan ng pagkakataon maulit.
HAPLOS
Nung kaulayaw ko siya.
Isa lang ang nasa isip ko --
at yun ay akin ang lalaking ito.
Pero hindi, kahit kelan hindi siya naging akin,
hinding hindi siya magiging akin.
Ang mga tao ay panadalian lamang. Hindi mo alam na mamaya wala na pala siya.
Parang usok na habang tinititigan mo eh nawawala.
Parang usok na kahit anong hirap para hawakan ay hinding hindi mo magagawa.
Ngunit.
Nararamdaman pa rin kita.
Ikaw na nagsilbing multo sa aking kasalukuyan.
Multo na unti-unti akong hinihila pabalik sa lugar na madilim at ayaw ko ng balikan.
Nararamdaman pa rin kita.
Sa loob ng aking katawan, nandoon ka.
Gumagalaw.
Parang isang dancer na umiindayog sa harmonika ng panahon.
Nararamdaman pa rin kita.
Ikaw ang aking balara na tinusok sa akin ng panahon.
Ikaw na sadyang ginawa para magbigay ng liwanag sa mga buhay na patapon.
Ikaw na ang tanging kayang ibigay ay mga haplos..
Haplos na unti-unting nilalamon ang aking sistema.
Nawawala na ako.
Nawawala na.
Nararamdaman kita.
Nararamdaman pa rin kita..

-----------
:'((
No comments:
Post a Comment