Sa pagmulat ng mata ko sa liwanag na buhat ng sinag ng araw na tumagos sa maliit na butas ng bintana sa aking kwarto, unti-unti kong naunawaan na may panibago na naman akong araw para mabuhay. Nagpasalamat ako sa paraan ng pagdarasal at unti unting nag-unat.
Mahal ko ang taong katabi ko simula kagabi.
Wala akong nireklamo sa lahat ng hirap ng damdamin na pinaramdam niya simula ng kami'y nagkasama dahil sa hanggang ngayong hindi niya pa rin maiwan iwan ang kanyang nakaraan.
Sa bagong araw na ibinigay sa akin, panibagong pag-asa na naman ang umukopa sa aking puso.
Darating ang araw na buong buo kong masasabi na siya'y akin. Na bawat sinag ng araw na sumisilaw sa aking mata'y siya lang ang iisipin ko, hindi ako magsasawang umintindi.
Magmimistula akong ilog na dumadaloy ng walang humpay upang marating ang dagat na sa kanya'y naghihintay. Ako ang magiging dahilan kung bakit kami magiging matibay.
Hindi kami mabubuwag.

Sa mundong ibabaw,
siya lang ang ginusto ko.
Wala ng iba.
siya lang ang ginusto ko.
Wala ng iba.
No comments:
Post a Comment