Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Monday, August 10, 2009

I want myself at my best

Sa tatlong araw na bakasyon ko kuno, narewind ko yung utak ko sa mga bagay na gusto kong pagtuunan ng pansin noon pa. Mahirap mag-isip lalo na para sa mga bagay na ayaw mo ng isipin dahil mahirap tanggapin.

Sa tatlong araw kong nakasama ang taong mahal ko. Marami siyang sinabi at kinuwento sa akin. Alam kong normal na yon samen, pero iba na kasi yung dating sa akin. Siguro tama siya nung sinabi niyang praning na siguro ako. Pero hindi ko naman masisisi sarili ko eh, sa dami ba naman ng naranasan kong masasakit sa lalaki sino ba namang hindi mapapraning? Hindi naman ako manhid.

Sa tuwing kinukwento niya yung past niya. Gusto kong manliit kasi alam ko na walang wala akong binatbat don, itsura pa lang 0% win na. Loser for short. Napakalayo ng agwat namin sa pag-iisip at pag-uugali. Hindi ko alam kung paano mahihigitan yun, sa simula pa lang na isipin ko eh parang imposible na.

Childish at immature ako minsan. Pinipigilan kong maging ganon para wala ng problema pero hindi ko pa rin mapigilan minsan. Parang nasa nature ko na talaga. Tsk! Ang hirap ng ganon, gusto kong maging katulad ng past niya, according nga sa kanya eh "kakaiba" "she got her own thing.." yung tipong ganon.

Gusto kong magbago para sa kanya.
Maging best para sakanya, para hindi niya ko iwan. :/

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog