Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Monday, July 6, 2009

Unang Beses Ng Kanyang Paglisan

Pagod at lupaypay na ang mga paa katatakbo sa desyertong sa kung saan ay hindi ko alam. Unti unti ko ng nararamdaman ang pagod na kanina'y pilit ko namang inaalintana. Maihahalintulad mo na ko sa pangkarerang kabayo na pinapalo para tumakbo, tumatakbo dahil pinapalo. Tunay na walang kasiguraduhan ang ginagawa kong 'to pero tinuloy ko pa rin. Hindi para kung kanino kung hindi'y para sa akin.

Nararamdaman kong sa anumang oras ay bibigay na ang aking binti. Kung marunong lang magmura ang katawan ko, siguro'y namatay na ko sa kakamura nito. Pero hindi pa rin ako titigil, kung ito lamang ang paraan para maramdaman ko ang pagkamanhid. Gusto ko yon! Yung maramdaman ang pakiramdam ng walang pakiramdam.

Binilisan ko pa ang paghagod ng mga pagod na paa ko sa lupa. Hanggang ako'y natalisod. Nalunod sa mga buhangin. At unti unti nitong hinihigop. Kumunoy. Eto ang kumunoy na nagpabalik sa akin ng realidad na mahina pa rin ako, na sa proseso ng buhay ay dapat akong lumaban.

Hinigop niya ko, hindi ako makahinga.
Hindi ako makahinga.
Nanlaban ngunit kulang.
Hindi pa rin ako makahinga!!


Hanggang na siya mismo ang nagluwa sakin.
Pagkatapos pahirapan at nakawan ng hangin ay kinamuhian niya ako.
Tinapon. Niluwa.


Ganon na lang yun..
Ganon ganon na lang.
Sa kabila ng pagod na tumakas ay ganon ganon lang niya kong binalik sa realidad na sana'y ayaw ko ng balikan.

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog