Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Friday, July 17, 2009

Love destroyed me once

"Hapi mansary,
nagpapasa lang ako para
mabait ka.


Ingat ka palagi ha?
Happy mansari 17 =l"

Alas dos ng umaga ko nabasa yang text na yan kahapon. Nakakapanglumo kasi kahit isang linggo na ang nakalipas, mahirap pa rin tanggapin na may mga bagay na sadyang hanggang doon na lang talaga. Yung tipong kahit ano mangyare, kahit maghimala o umulan man ng pera eh hinding hindi na mababago.

Mahirap intindihin ang mga bagay na hindi naman pinapaintindi sayo, pero dahil sa wala kang choice iintindihin at iintindihin mo pa rin. Yun yung naramdaman ko ng naghiwalay kami. Pero keme lang! Keri pa naman. Inisip ko na lang na may mga bagay na dapat tapusin tulad ng relasyon sa isang taong mahal mo sa kadahilanang kelangan niyong mag grow. Yun nga lang hindi kayo magkasama.

Masakit kung iisipin pero may lesson naman.
Ganon ang pagmamahal, hayaan mo siyang umalis sa piling mo, hayaan mo siyang tuklasin ang mga bagay na gusto niya, sumama sa mga taong nakakapagpasaya sa kanya. Wag mo siyang ituring na parang ibon na ikukulong mo lang sa hawla. Hindi malaya. Nawawala ang halaga niya sa mundo dahil wala siyang kalayaang lumipad.

Hindi man kami para sa isa't isa na magmahalan bilang babae at lalake sa isang relasyon,
nagmamahalan naman kami bilang magkaibigan.
Mas pinili namen kung saan kami magtatagal.
Hindi man nag-uusap puno naman ng kalayaan para magsalita.

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog