Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Thursday, July 16, 2009

Iba talaga pag UST-e!

5:30 ng umaga ako umalis ng bahay. Medyo nagmaamdali pa ko kasi wala akong tigahatid ngayon at color coding at magbubus lang ako. Pag nalate ako ng alis eh tayuan na sa bus, so hassle kasi umuulan pa. Excited ako pumasok, may quiz sa OM at gusto ko yung prof. Nagbayad ako ng P50 sa trike, sinuklian ako ng kinse, gusto ko umangal kasi trenta lang naman ang bayad pero 35php ang kinuha, pero hindi na ko nakipagtalo-sayang lang sa oras. Sumakay ako ng bus, masaya kasi nakaupo ako, pangalawa pa sa unahan. Umalis ang bus at tinahak ang NLEX. Ang bilis ni manong driver magmaneho, siguro may date siya mamaya. Kinuha ko yung Kapitan Sino sa bag ko at nagbasa, simula non hindi ko na nakuhang tignan yung cellphone ko. Isang kanto na lang sa Lacson at San Lazaro na malapit na kong bumaba. Nag ayos na kong ng gamit at naglabas ng payong ng makita ko yung bababaan ko, susmaryosep garapon! Puro tubig! Syempre no choice kaya lumusong na rin ako. :x

Pag dating ko sa LaongLaan, puro tubig pa rin. Pinagtitinginan na ko, Para kong may nagawang bagay sa mundo na kelangan na nila kong hulihin. May pedicab dun sabi ko kung naghahatid siya sa Dapitan Gate, sabi niya "Oo, trenta.." Ang mahal grabe. Sabi ko bente lang binabayad ko (kahit di pa ko nakakasakay heheh) Eh di umepek naman. Nung nakasakay na ko sa pedicab, dun ko lang naisipan tignan yung cellphone ko, ang dameng message na walang pasok. Isa na don yung ke mama, "Anak declared na, wala kayong pasok. Ingat ka wah. Bumili ka ng pagkain niyo magkapatid.." Nagreply naman ako, "Ano ba yan lumusong pa ko sa baha!" "Ganon talaga. Bumili ka ng pagkain niyo magkapatid.." Hindi na lang ako nagreply. Sabi ko ke manong pedicab ibalik na niya ko kasi wala naman daw palang pasok. Humingi na lang ako ng pasensya.

Balik na naman ako sa baha. Hanggang may dumating na bus. Pero sa tinamaan ng magaling inabot pa ata ako ng 15minutes bago makasakay ng bus, nasa kalsada ako na may baha bawat jeep bus trike na dumadaan sinasapo ko yung tubig. Buti na lang black yung uniform ko ng araw na 'to. :x Ayan na! Dumating na din ang bus, pinara ko, humakbang at tanannnn! Inanod yung havs ko, syempre kinuha ko pa, kahit ano mangyare kukunin ko yon, gift yon ni tintin eh. Pagluhod ko eh di basa na ko ever! Hinubad ko na lang ung tsinelas ko at chaka nagpaa na sumakay ng bus. Syempre sikat na naman sa bus. Nakakahiya pero nakangiti pa rin ako. Experience na naan to eh.

Tunay ngang hindi kumpleto ang college life ng mga Thomasian pag hindi sila nakalusong sa baha. Sa mga panahon na ganito, ang top4 universities sa bansa, nagiging 3 na lang.

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog