Thursday, October 15, 2009
Namiss kita.
Matagal na kitang hindi nabigyan pansin. Napakalaki na nga ng pagkukulang ko sa’yo, Paano ba ko maaring bumawi?
Itinuring na kitang best friend. Lahat na ata ng chismis na alam ko eh alam mo rin. Pati mga aral ng aking propesor eh alam mo. Namiss ko to, yung bawat detalye ng pagkukwento ko sa’yo.
Nung mga panahon na wala ka. Dun ko nalaman na nawala rin pala ang malaking bahagi ng buhay ko. Totoo pala yung sinabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng bagay sa panahon na wala na ito. Hindi ako nakaraos sa mga problemang hanggang ngayon ay dinadala ko dahil wala ka sa tabi ko. Sobrang cheesy ba? Pero promise cross my heart totoo yon.
Hindi pala kita pwedeng ipagpalit sa mga librong binabasa ko pampatay ng oras o sa internet na umaaliw saken dahil na rin sa mga laro sa Facebook, o kaya sa unan kong amoy laway at kayakap sa gabi. Wala ka pa rin kapantay. Sayo ko pa rin nasasabi lahat. Sayo ko lang nailalabas lahat ng galit, pagkutya, inis at pag-ibig ko sa mundong ito. Kung naging tao ka lang sana’y ikaw na ang kakambal ko. Pero syempre, mas maganda pa rin dapat ako.
Nanghihinayang ako sa oras, araw at buwan na pinabayaan kita.
Sana’y mapatawad at matanggap mo pa rin ako. Ikaw pa rin and number 1 saken, sana’y ganyan ka rin. Alam kong nagging matamlay ka nitong huli pero nandito na ko, bumalik na ko. Para sa’yo at para sa sarili ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Accessories Online Shop
Which brand of camera is better?
About Me

- Cheska
- I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/
Total Pageviews
Search This Blog
CATEGORIES
- (c) cheska manuel (1)
- bebe (4)
- bestfriend (1)
- books (1)
- bye (1)
- careless (1)
- charles (1)
- cheska (1)
- dos (1)
- ex (4)
- february (1)
- fisheye lens (1)
- friendship (1)
- hard (1)
- harry potter (3)
- hurts (5)
- jokes (1)
- life (19)
- lost (1)
- mama (1)
- mark (6)
- markcarrasco (2)
- moved on (1)
- pag-ibig (1)
- quotes (1)
- read (6)
- review (1)
- School's cool (1)
- stranger (1)
- thoughts (3)
- True enough (1)
- uaap (1)
- us (1)
- vampire diaries (1)
- what is love? (1)
No comments:
Post a Comment