I.
Isang patak..
Pangalawang patak..
Pangatlo...
Hindi ko namalayan na unti-unti ko na palang pinapalaya ang mga luhang pilit kong tinatago nitong mga nakaraang araw.
Nabigo na naman ako. Kahit anong pilit ko kasing umiwas sa kawalan ay nagawa pa rin nito akong hilahin at lunurin sa kanyang taglay na kadiliman.
Nawawala ako. Bulag sa kadiliman pumupuno sa aking paningin.
Nasaan ba siya?
Siya na nagsisilbing liwanag ko sa madilim na araw tulad nito.
II.
Sa aking gunita, manamnam kong dinama ang kanyang bawat haplos.
Haplos na iba ang gumagawa.
Sa bawat taong nakikita at nakakasalamuha ko kasi'y, hinahanap ko ang kanyang presensiya.
Presensiya na hinahanap ko nga, ngunit pilit ko namang tinatakasan.
Heto na naman siya.
Parang aninong hindi mawala.
III.
Sa bawat paggalaw ng aking labi sa iba'y nagsisilbing pagtakas ko sa kanya.
Pero mas lalo lang nito pinapalala ang obsesyong nararamdaman ko.
Parang hinahalay ko ang aking sarili. At ang bawat sarap ay siya ang gumagawa.
Matindi.
Malala.
Wala na ba kong magagawa?
Paano ko makakatakas sa kawalang na wari'y pinagsakluban ng pag-asa?
Pag asa na mismong tinalikuran ko?
IV.
Kung hindi lang ito para sa akin, hindi ako magaabalang pilitin ang mga mata kong dumilat.
Ngunit para ito sa aking pagkatao. Pagkatao na kahit papaano'y gusto kong iligtas mula sa kanya. Sa kanya na hinahanap hanap ko.
Kaya't dumilat ako. Dinilat ko ang aking mga mata na ultimong nabubog dahil puno ng pangungulila't paghihinagpis.
Sa pagdilat ko'y, Natamo ko ang liwanag na pinaghirapan kong abutin.
Liwanag na unti-unting nagpakita ng realidad na..
Nandoon siya. Nakatayo. Naghihintay sa akin.
Nandoon na naman siya.
Sa katauhan ng iba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Accessories Online Shop
Which brand of camera is better?
About Me

- Cheska
- I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/
Total Pageviews
Search This Blog
CATEGORIES
- (c) cheska manuel (1)
- bebe (4)
- bestfriend (1)
- books (1)
- bye (1)
- careless (1)
- charles (1)
- cheska (1)
- dos (1)
- ex (4)
- february (1)
- fisheye lens (1)
- friendship (1)
- hard (1)
- harry potter (3)
- hurts (5)
- jokes (1)
- life (19)
- lost (1)
- mama (1)
- mark (6)
- markcarrasco (2)
- moved on (1)
- pag-ibig (1)
- quotes (1)
- read (6)
- review (1)
- School's cool (1)
- stranger (1)
- thoughts (3)
- True enough (1)
- uaap (1)
- us (1)
- vampire diaries (1)
- what is love? (1)
No comments:
Post a Comment