Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Tuesday, June 23, 2009

I S P E Y S

Sa bawat puting buhok na binunot ko kanina sa ulo ng aking ina. Mas lalo ko lang nakita ang agwat namin. Tumatanda na siya, pati rin ako. Bawat segundo na hinihinga ko ngayong araw ay dumaragdag sa pagtanda sa buhay na nilaan sa akin. Nakakapanghinayang lang ang mga segundo, minuto at oras na sinayang ko para humiga, humilata at tumambay. Pero minsan binibigyan hustisya ko pa rin ang pagiging tamad. Tinawag ko na lang ito na pahinga.

Bawat tao napapagod. Iba iba man ang sitwasyon ng mga buhay natin. Darating at darating rin tayo sa punto ng pagkakapareho. Punto na lahat tayo at titigil para mag-pa-hi-nga. Nakakapagod kung paulit ulit. Nakakapagod pag maraming ginagawa. Nakakaumay yung galaw ka ng galaw.Diba Minsan nakakasawa na? Diba Minsan parang ginagawa mo na lang ang isang bagay sa kadahilanang kelangan mong gawin ito, oh kaya'y gagawin mo na lang ito na ang nasa isip ay darating ang araw na makakapagpahinga rin ako?



Bawat tao kelangan ng E S P A S Y O --





Pero sa lahat ba ng minsan na nabasa mo,
minsan ba eh naisip mong nakakapagod, nakakasawa at nakakaumay rin magpahinga?

No comments:

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog