Paano kung mapagod na siyang maghintay?
Wala naman nakakapagod sa paghihintay. Dahil dun mo nalalaman kung ano yung dapat mong gawin.
Hindi ko mapigilan humanga sa’yo kasi alam mo yung tamang sagot sa tamang tanong. Hindi man ako naniniwala nung una sa sagot mo, ngayon, napatunayan ko na sa paghihintay dun ka matututo kung ano bang dapat gawin at anong tamang reaksyon sa bawat sitwasyon na darating.
Kung bukas, maulit man ang nangyare kahapon. Alam mo kung paano gagalaw. Kung anong tamang salita ang bibitawan mo at kung hanggang saan ang limitasyon mo.
Alam ko na ang dapat gawin.
Hihintayin kita.
Baka sakaling mapagod ka na sa ginagawa mo at ako naman ang harapin mo.
Para bukas, hawak ko na ang kamay mo. Magkasama na tayo.
No comments:
Post a Comment