Date

All contents are properties of Cheska Manuel. All Right Reserved (C) 2009
If you find some of my posts too harsh for you to handle. You can always click the [X] button in the right top of your browse. Thank you very much.

Breast Cancer Ribbon

Monday, January 4, 2010

Dos

Parang kulang ang isang kwento.
Kelangang dagdagan!


Unang pasok sa eskwela, medyo inaantok antok pa paggising sa umaga. Alas Kwatro ba naman eh kelangan mo ng ipagkait sa sarili mo ang karapatan para matulog at kelangan mo ng mag-ayos para pumasok sa paaralan.

Oo gusto kong pumasok, pero ayaw kong mag-aral.
Gusto ko lang yung isipin na magbyahe tas may baon. Natural na yon.
Normal para sa isang estudyanteng laspag na sa araw-araw ba naming school burdens.

Daig pa ang sardines ng bus na nasakyan ko. Konting galaw ay may domino effect na mangyayare. Kung tutuusin ay maikli lamang ang byahe, pero kapag hindi ka komportable sa kinauupuan o pag minalas eh kinatatayuan mo, parang sa bawat hinto ng bus ay gusto mo ng bumaba.

Nakarating ako ng paaralan ng matiwasay. 10 minuto na lang at bell na. Hindi ako nagmadali. Para pa kong super model na naglakad sa dalawang kantong nilakaran ko papunta sa sintang paaralan. Masarap kasing lasapin ang hangin, nakakatuwa rin pagmasdan ang repleksyon ng pula kong buhok sa mga salamin ng mga sasakyang nadaraanan at nakakasalubong ko.

4 na oras ang ginugol ko sa klase.
At pagkatapos non, sinamahan ko siyang tumayo sa national bookstore ng almost one hour. Wala, nakatayo lang. Nagbabasa ron. Ako naglalaro ng gameboy niya. Ansarap sa paa, parang parusa. Hindi naman bawal umupo, pero syempre nakakahiya. Tahimik lang siya – hindi natural sa kanya yon. Nag insist ako ng marameng beses ng isang conversation, pero bale wala. Kakarampot ang mga salitang binitiwan niya.

Lumipas ang mga minuto, masakit pa rin ang paa ko.
“Papasok na ko.” Yan ang sabi niya.
Hala sige lakad na naman papalabas, sa may bukana ng entrance ng National Bookstore, hayun naglalakad ang babaeng tinitibok ng puso niya. Sinalubong ako ng simangot habang ako’y walang kaplastikan na ngumiti, well kasi wala naman ako magagawa eh di ngiti na lang.

I stood there for a few seconds, watching them as they held their hands and talk to each other. At ako? Wala. Smile pa rin. Lumakad kami. At sa paglabas ng national, “Uuwi na ko…” sabi ko. Tuloy tuloy lang siya. Tuloy tuloy lang din ako, at sa inaasahan lumingon ako, lumingon din siya, ngumiti at nagsambit sa hangin ng “buhbye!” with matching wave pa. Sinuklian ko ng ngiti yon. At patuloy na naglakad papuntang sakayan.

Anong kulang sa kwento ko?
Emosyon. Sa eksenang dapat nasasaktan ako’y tila nakalimutan kong masaktan.
Nung pasakay nga ako ng jeep with slow motion effect naisip ko, “ay nakalimutan kong masaktan!” Seryoso! No joke. Walang biro. Naisip ko yon. Ewan ko ba, Sa byahe hinanap ko sa puso ko yung sakit, ingget at selos, pero wala. Tila wala na talaga kong maramdam. Peron g makatanggap ako ng text message galling sa simangot girl na nagsasabing,

“Buhbye chex. Cza to :D”

Nainis, naimbyerna at napikon ako. Pero dahil sa nakaupo ako’t nasa bus na aircon, mahinahon kong tinanggap yon. Masyadong maganda ang ambience para masira lang ng isang text message. Inisip ko na lang. Pasensya. Patience. Be a good friend. At ayun, inantok ako kakaisip non. Pinikit ko ang mga mata ko, at sa kadiliman ay hinarap ko na naman ang realidad na kahit anong gawin ko, kahit anong pasensya pa ang ibigay ng Diyos sa akin, hanggang dito na lang kami ng tinuring kong best friend. Hindi na kami babalik sa dati kung ano man kami. Kung anong harot, sweet. Hindi na mababalik yon, wala na. Para kaming parallel lines, na kahit anong extend namen para sa isa’t isa, hindi naman kami magmeemeet sa kahit anong point. Nakakalungkot. Oo inaamin ko, naramdaman ko na yung sakit na hinihintay kong pumalaot saken kanina pa, andito na ang karagatan na unti unti na naman akong lulunurin hanggang malunod ako. Hindi na ata mawawala, siguro’y nakakalogtaan ko na lang na nasasaktan nap ala ko pero mas pinili kong wag intindihin. Pero lahat ng bagay nagwawakas, lahat ng tao nagbabago, pati ang role nito sa kwento mo. Maaring yung dati mong kaaway maging best friend mo, o vice versa, o kaya yung dati mong best friend maging minor character na lang sa story line mo.

Nagbago, Nasaktan, pero sana sa huli kami pa rin ang magkasama.
Wala ng paghahangad para sa mas mataas na lebel, wala ng pag-aasam sa isang malayong pag-ibig na hindi maabot pero atleast, nandon pa rin yung “kame”.

Uno

Magsusulat ulit ako!

Sa panahon na hindi ko alam kung kaya ko pang magsulat.

Masyadong maraming emosyon ang nangungulila sa aking aura, at ibinigay ko to lahat sa unang kwentong inaalay ko para sa aking sarili.



Bahala ka ng kumilala sa bawat tauhan.

Totoo man o hindi, basta makiramdam ka!







I love my best friend. Ay mali, I am in love with my best friend pala.

At alam niyang mahal ko siya, pero hindi niya kayang suklian yon. Hindi dahil sa may girlfriend na sha, sadyang hindi niya lang talaga kaya. Hindi kaya ng puso niyang tumibok para sa akin. Masakit. Minsan tatanong ko kung baket, kung anong kulang, kung anong mali, kung ano pa yung dapar kong gawin. Pero mentras pinipilit ko yung sarili ko sa kanya, pakiramdam ko lalo lang siyang lumalayo saken.



Pitong buwan na kameng magbestfriend sa January 12.

At ako’y nasa stage ngayon ng pagkagulo.

Tanggap ko na hanggang ditto na lang kame, tinanggap ko na rin na talo na ko sa laban na ako lang mismo ang gumawa. Tinanggap ko na lahat, pero nalulungkot pa rin ako. Kaya magulo.



Tinry kong lumayo, pero humabol siya. Hindi dahil sa mahal niya ko, kung hindi dahil kelangan niya ko. Marami na kong nagawang mali sa buhay ko, isa na rito ang pakikiniig ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama o mali, pero ginagawa ko pa rin. Para bang naging normal na rin to samen.



Ang pagdidikit ng laman ay naging dahilan kung bakit hindi ko siya maalis sa sistema ko. Sistema na sa una pa lang ay alam kong mali na ang ikot, na mali na bawat nilalaman. Na sa una pa lang ay pilit ko ng binabago pero hanggang sa salita ko lang nagagawa.



Lumipas ang araw at mga buwan.

Talo pa rin ako. Kahit idukduk mo sakin kung ano lang ang lugar ko sa kanyang buhay, aasa’t aasa pa rin ako na baka sakaling umiba. Partida, tanggap ko nang lahat ang pwedeng tanggapin sa sitwasyong meron kami.



Totoo talaga yung sinabi ko noon, na bawat tao, may ranggo sa buhay mo.

Ako? Ang ranggo ko lang sa kanya’y kaibigan. Sa aken nama’y ka-i-bi-gan.

Hindi kami magmeet sa isang point. Kung magmeet man ay malayo sa bawat ninanais ng bawat isa.



Patuloy na lumipas ang mga araw at buwan.

Unti unti ng nauupos ang pakiramdam ng sakit sa kalamnan ko, Hindi ko alam kung paano, pero sadyang nangyari na lang.

Ayaw kong isiping hindi ko na siya mahal, dahil sa kailaliman ng puso’t isip kong alam kong sobra pa sa apaw ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro naneglect ko na lang dahil sa pagtanggap na hindi niya ko kayang mahalin sa paraan na gusto ko. Nakakapagod lumaban para manalo.



At sa huling araw ng alam kong nabubuahay ako sa pagmamahal na meron para sakanya. Hinahandog ko sa kanya ang kwentong ito, hindi ko alam kung paano magcoclosure lahat-lahat dahil kahit sa kwento name’y patuloy pa rin akong humihinga ng walang kasiguraduhan.



Kelangan niyang lumaya, masaya na siya.

Kelangan kong sumaya, sa paglaya ko’y sana’y maging malaya na rin siya.

Alam kong hindi dito nagtatapos, nasaktan, nagabgo kami.

Pero darating pa rin sa punto na kami ang magkasama ulit sa harutan at inuman, pero sa panahon na iyon. Siguradong iba na. May distansya, may pagtanggap, may sense of contentment sa kung ano kaya niyang ibigay. Walang pag aasam o paghahangad ng kung ano. Pure friendship na lang.



Hanggang ditto na lang,

Kame.

Which brand of camera is better?

About Me

My photo
I live for the nights I can't remember with the people I'll never forget. Y!M: iskantarium http://cheskamanuel.co.cc/ http://sexycorries.co.cc/

Total Pageviews

Search This Blog